Ang Gurong Nagbabalik sa Bayan, Inc. ay malugod na inaanyayahan ang mga guro at mag-aaral na dumalo sa programang Kinaadman ng Bayan: Talastasang mula sa Bayan at para sa Bayan sa darating na Enero 9, 2021, ganap na ika-6:00 ng gabi hanggang ika-8:00 ng gabi. Ang magiging paksa po ay “Pag-uugat sa Kasaysayan at Kalinangang Moro sa Pilipinas” na ibabahagi ni Propesor Macrina A. Morados ng UP Diliman.Ang webinar po na ito ay libre at bukas sa mga guro at mag-aaral ng sekondarya at tersyarya. Wala po itong bayad. Subalit limitado lamang ang bilang na maaaring makadalo. Upang makasiguro po ay magpatala agad gamit ang link na ito:https://docs.google.com/…/1c9m917UgiOsqUHE0…/viewform…
Padadalhan po namin kayo ng link ng webinar sa inyong e-mail address. Kung maaari ay mag- download na rin po kayo ng google meet app sapagkat ito ang gagamitin natin sa pagpapadaloy ng programa. Maraming salamat po.
Pinagkunan ng background: Villanueva, P. (Photographer). (2017, September 7). Following the Lumad from Bukidnon to Manila [digital image]. Retrieved from https://cnnphilippines.com/…/07/lumad-lakbayan-2017.html